Ni Karen David
PAPALITAN na ng bollards ang mga concrete barrier na nasa kahabaan ng bus lanes sa EDSA.
Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang nag-viral na video ng isang bus na bumangga sa mga concrete barrier kamakailan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagpapalit ng barrier ay sponsored ng isang private sector.
Gayunman, sinabi ni Garcia na mananatili ang mga concrete barrier sa loading at unloading areas para sa kaligtasan ng mga commuter.
Una nang inisyuhan ng LTFRB ng show cause order ang bus company at driver ng bus matapos ang insidente.