Ni Melrose Manuel
PINAG-AARALAN ngayon ng pamahalaan ang paggamit ng convalescent plasma therapy (CPT) program para matulungan ang mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon sa Malacañang, popondohan ng Department of Science and Technology ang pag-aaral na ginagawa ng UP-PGH kaugnay sa isang treatment na tinatawag na “convalescent plasma therapy.”
Dati nang ginagamit ang convalescent plasma therapy sa mga nagdaang pandemya gaya nang kasagsagan ng Spanish flu outbreak noong 1918-1920.
Ito rin ang gamit ng mga polio patient bago madiskubre ang bakuna kontra polio.
Pero ngayon lamang ito sinubukan na gamitin sa mga COVID-19 patients.
Dalawang plasma collection machine naman ang ibinigay ng Getz Healthcare sa St. Lukes Medical Center para makatulong sa mga pasyenteng may malubhang kalagayan.
Ang nabanggit na machine ay sadyang ginawa para sa plasma collection at kaya nitong matapos ang proseso sa loob lamang ng 40 minuto.