Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa 46,333 ang total number cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 2,099 na panibagong kaso sa bansa.
Nagmula naman ang panibagong bilang sa fresh cases na 1,258 at 841 naman sa late cases.
Nasa 32,845 naman ang naitalang bilang ng active cases.
Nadagdagan rin ng 243 ang nakarekober ngayong araw kaya’t umakyat na sa 12,185 ang kabuuang gumaling sa sakit.
Ang death toll naman sa bansa ay 1,303 matapos madagdagan ngayong araw.