Ni Melrose Manuel
NAKAPAGTALA ng isangdaan at limampu’t dalawa na panibagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City.
Sa ipinalabas na datos ng Cebu City Health Department, pumalo na sa anim na libo, isangdaan at apatnapu’t dalawa ang kabuuang kaso sa lungsod.
Sa nasabing bilang, tatlong libo, dalawangdaan at tatlumpu’t tatlo ang total recoveries matapos madagdagan ng 90. Habang 2,688 pa ang active cases at patuloy na ginagamot. Nasa 221 naman na ang naitalang death toll doon.
Sa ngayon, ang Cebu City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa na sinusundan ng Quezon City.