Ni Melrose Manuel
SUPORTADO ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins na muling buhayin ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga drug-related crimes sa bansa.
Gayunman, paglilinaw ni Villanueva, dapat itong ipatupad para lamang sa mga ‘big time drug traffickers’ at hindi sa mga street-level drug pushers.
Matatandaang sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes, nanawagan ang pangulo sa Kongreso na ipasa na ang batas para sa pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga.
Naniniwala rin si Villanueva na ang kawalan ng ipinatutupad na capital punishment sa bansa ang dahilan kung bakit naipagpapatuloy pa rin ng mga nakabilanggong drug suspects ang kanilang illegal drug activities.