Ni Troy Gomez
INIHAYAG ng isang franchise expert na posibleng ilabas na ng Kamara ang disisyun kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa panayam sa Usaping Bayan, iginiit ng franchise expert na si Atty. Rolex Suplico na matagumpay na naisiwalat sa Kamara ang mga probable violations ng ABS-CBN.
Ayon kay Suplico, sapat na ang panahon na iginugol sa imbestigasyon para ma-establish ang mga paglabag ng kumpanya sa kanilang dating franchise.
Subalit ayon kay Suplico, may konting kulang pa sa mga isyu na hindi na natalakay lalo na yung utang ng ABS-CBN sa Development Bank of the Philippines o DBP.
Para naman kay Speaker Alan Peter Cayetano, malinaw ang mga paglabag na tinalakay sa Kamara.
Giit ni Cayetano, masusi nilang titimbangin ang gagawing desisyon kung pagbibigyan ba ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon naman kay Senior Majority Leader Boying Remulla, magkakasubukan sa Kamara kung lulusot sa committee level ang prangkisa ng ABS-CBN sa kabila ng mga violations.
Ngayong Huwebes, nakatakdang magpulong ang mga mambabatas hinggil sa nakabinbing prangkisa.
Bago matapos ang buwan ng Agosto target ng liderato na mailabas ang desisyon hinggil sa franchise ng ABS-CBN.