Ni Melrose Manuel
WELCOME development sa Kamara ang pasya ni Pangulong Duterte na isagawa ang ikalimang State of the Nation Address o SONA nito ngayong taon sa Batasang Pambansa.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, may malaking impact ang pasya ng Pangulo lalo na at nahaharap ang bansa sa COVID-19 crisis.
Matatandaan na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Batasan Complex dahilan kaya puspusan ang disinfection sa buong compound.
Dahil diyan, walang magaganap na pagdinig sa plenary ngayong linggo bilang paghahanda sa SONA.
Bagamat wala pang pinal na guidelines, sinabi ni Cayetano na lilimitahan nila ang bilang ng mga dadalo sa plenaryo.
Samantala, sa nakalipas na taon bilang lider ng Kamara, natanong si Cayetano kung ano ang achievements ng Mababang Kapulungan.
Hindi pa kasama diyan ang mga mahahalagang panukalang batas na kanilang naipasa para sa pagtugon ng pamahalaan laban sa pandemya.