Ni MJ Mondejar
DISMAYADO ang mga mambabatas sa DILG at Presidential Management Staff matapos bigong makadalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa sitwasyon ng mga Locally Stranded Individuals o LSIs.
Malinaw sa hearing ng House Committee on God Gov’t and Public Accountability na ang DILG ang prime agency para sa balik probinsya ng mga LSI.
Pero no show sa committee hearing ang mga taga DILG kaya high blood ang mga kongresista.
Para sa mga kongresista, mukhang pinagtaguan sila ng DILG dahil hindi masasagot ang mga tanong na dapat matugunan sa hearing.
Partikular na nais ng komite na maresolba at hindi na maulit pa ay ang biglang pagdagsa ng mga LSIs sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
Pati ang Presidential Management Staff o PMS ay pinatatawag din sa Kamara dahil wala rin itong kinatawan sa pagdinig.
Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development, ang DILG ang incharge sa koordinasyon ng mga LSI na nirereject ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon ay wala nang LSI sa Rizal stadium dahil isinailalim ito sa decontamination.
Dinala narin sa temporary shelter ang mga naiwan na LSI at yung mga nagpositibo na 48 sa COVID-19 ay dinala sa isolation facility.
Ayon naman sa DOLE, pinag-uusapan nila na ihiwalay sa iba’t ibang petsa yung pag-uwi sa LSIs sa iba’t ibang probinsya o rehiyon.