Ni Melrose Manuel
INIMBITAHAN na maging isa sa magiging jurors sa 48th International Emmy Awards ang aktres na si Dimples Romana.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Romana na inimbitahan umano siya ng International Academy of Television Arts and Sciences na mag-judge sa Emmys.
Ibinahagi rin ng aktres na dream come true ito para sa kanya.
Ang International Emmy Award ay ibinibigay bilang pagkilala sa best television programs na pino-produce at ini-ere sa labas ng United States.
Ang International Emmy Awards Gala ngayong taon ay isasagawa sa Nobyembre 23, 2020 sa New York City at iaanunsyo naman ang mga nominees sa Setyembre.