Ni Melrose Manuel
ISASAILALIM sa lockdown ang compound ng Department of Energy (DOE) sa Taguig simula ngayong araw, Miyerkules, ika-8 ng Hulyo hanggang sa Biyernes, ika-10 ng Hulyo.
Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa sa mga empleyado nito.
Ang pansamantalang lockdown ay para makapag-disinfect sa compound kabilang na ang main building, annex, gymnasium, motor pool, at multi-purpose building.
Sa kabila nito, mananatili naman ang operasyon ng mga opisina ng Oil Industry Management Bureau, Renewable Energy Management Bureau, Office of the Secretary at mga executive office.
Tiniyak naman ng DOE na kanilang bibigyan ng atensyong medikal ang lahat ng mga nagpositibo sa kanilang mga empleyado.