Ni Melrose Manuel
UMAPELA si ACT-CIS Party-List Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na bigyan ng cash aid at job-matching assistance sa mahigit 11,000 ABS-CBN employees na naapektuhan ng pagsasara ng Kapamilya Network.
Ayon kay Tulfo, ‘moral obligation’ ng DOLE na bigyang ayuda at trabaho ang mga apektadong empleyado lalo pa’t may kinakaharap na COVID-19 pandemic ang bansa.
Sa katunayan aniya, ipinapanukala niyang isali ang mga displaced ABS-CBN workers sa kasalukuyang ipinaiiral na one-time cash assistance ng DOLE.
Sa katunayan aniya, ipinapanukala niyang isali ang mga displaced abs-cbn workers sa kasalukuyang ipinaiiral na one-time cash assistance ng DOLE.
Paliwanag ni Tulfo, hindi dapat na maging hamon sa DOLE ang P5,000 cash aid sa mga empleyado dahil mayroong $7.8 bilyong loans and bonds ang Department of Finance.