Ni Justine Nazario
INANUNSYO ng comedian-TV host na si Donita Nose kahapon, Hulyo a-27 na nagpositibo ito sa COVID-19.
Aniya, hindi ito nagulat na nagpositibo siya sa naturang virus dahil naramdaman niya lahat ng sintomas nito.
Bago aniya siya nagpa-test ay may haka-haka na siya na positibo siya sa COVID-19 at nakumpirma lamang nang sumailalim ito sa test.
Dagdag pa ni Donita na mahirap magpositibo dahil bawat galaw niya ay hinihingal na siya agad at mag-isa lang siya sa lahat ng bagay dahil bawal siyang lapitan.