Ni Vhal Divinagracia
ISTRIKTO na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pamamahagi ng second tranche ng SAP cash aid para maiwasan ang duplication ng mga beneficiaries.
Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government o DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa panayam ng Sonshine Radio. Kasunod ito sa medyo mabagal na pamamahagi ng pangalawang bugso ng SAP.
Subalit nilinaw ni Usec. Diño na hindi naman ang barangay ang may problema dito.
Samantala, dagdag naman ng kalihim, may ginawa ng scheme ang DSWD para madali ang pamamahagi ng SAP cash aid.