Ni Pat Fulo
MULING nanawagan ang Department of Trade and Industry sa mga online business owners na irehistro ang kanilang mga negosyo.
Muling binigyang-diin ng DTI na ang mungkahi nito ng gobyerno ay para na rin sa proteksyon ng mga online sellers at upang mabigyan ang mga naturang negosyo ng legal personality.
Gayunman nilinaw nito na ang mga tinatawag upang mag-register ay ang mga online entrepreneurs lamang na nais ipagpatuloy ang panilang mga negosyo kahit tapos na ang pandemya.
Ang DTI registration fee ay 230 piso lamang na valid na para sa limang taon na maaring maproseso sa loob lamang ng 15 minuto.
Giit pa ng DTI na maaring maharap sa kaukulang penalties ang sinuman mapatunayang nagnenegosyo nang hindi nakarehistro.