Ni Pat Fulo
HINIHIKAYAT ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Local Government Units (LGUs) na palawigin pa ang curfew hours sa kani-kanilang sinasakupan.
Ito ang panawagan ni DTI Sec. Ramon Lopez, upang aniya mapahaba ang serbisyo ng mga restaurants at magkaroon ito ng pagkakataong makapag-accommodate ng mas maraming dine-in customers.
Himok ng kalihim, i-extend ang curfew hours hanggang alas-12 ng gabi habang ang maximum operating hours ng mga kainan ay hanggang alas-11 ng gabi.
Giit ni Lopez ang mas mahapang operasyon ng restaurants ay makapagbibigay ng karagdagang kita.
Tiniyak naman nito na mahigpit na binabantayan ng DTI ang pagsunod ng mga restaurants sa ipinatutupad na health protocols.