Ni Justine Nazario
INIHAYAG ni Dr. Anthony Fauci, Director of the National Institute for Allergy and Infectious Diseases sa publiko na nasa maling direksyon ang Estados Unidos sa pagtugon sa COVID-19.
Ayon kay Fauci, kampante na siya sa mga states na bumababa na ang kasong naitatala ng COVID-19 pero nakakabagabag aniya ang mga states na patuloy na tumataas ang kaso ng naturang sakit.
Dagdag pa ni Fauci na ang Florida, Texas, California at Arizona ay ang mga states na nagkakaroon ng 50% na infection ng COVID-19.
Samantala, nananatili pa ring top 1 ang Estados Unidos sa may pinamaraming naitalang kumpirmadong kaso at fatality sa COVID-19 pandemic.