Ni Melrose Manuel
BINIGYANG linaw ng Malakanyang na papayagan lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang face-to-face classes sa susunod na taon sa buwan ng Enero kapag mayroon nang nabuong bakuna sa COVID-19.
Sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, muling binigyang-diin nito na pahihintulutan lamang niya ang face-to-face classes kapag magiging available na ang coronavirus vaccine para matiyak na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.
Sa isinagawang post-SONA press briefing sa New Executive Building (NEB), sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na noong nagsagawa ng pagpupulong kasama si Education Secretary Leonor Briones, ang pagpayag ng presidente ay gagawin ang face-to-face classes sa January.
Ito’y dahil nagkaroon aniya ng assumption ang punong-ehekutibo na baka mayroon nang bakuna sa COVID-19 pagdating ng Enero.