Ni Arjay Adan
NAKAPAGTALA ng bagong Philippine Record ang Filipino-American pole vaulter na si Nathalie Uy matapos itong magbalik aksyon para sa Acadia Invitational sa Greenville, North Carolina, U.S.A.
Si Uy ay nakapag-clear ng 4.30 meters sa USC Pink Panther Pit upang talunin ang nauna nitong record na 4.25 meters na nagawa nito noong nakaraang 2019 Southeast Asian Games.
Ang bagong record na ito ni Uy ay nakapagbigay pag-asa sa kanya na mag-qualify sa Tokyo Games at habang sinusubukan niyang makapag-clear ng 4.70 meters at maka-abot sa Olympic standard kapag nagsimula nang muli ang qualification para dito.
Nagayak naman si Uy sa naging resulta ng kanyang performance sa kabila ng hirap sa pag-ensayo na dulot na rin ng quarantine bunsod ng COVID-19.