Ni Vic Tahud
HANDANG matanggal sa posisyon si Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag hinggil sa isyu ng pagkamatay ng mga high-profile inmate sa Bilibid.
Ito ang naging sagot ni Bantag sa panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tanggalin sa pwesto si Bantag.
Ani Senator Richard Gordon, hindi ganoon kadaling tanggapin ng publiko na namatay sanhi ng COVID-19 ang mga high-profile inmate.
Matatandaang, bigong maipalabas ni Bantag ang pagkakilanlan ng mga nasawing bilanggo dahil sa Data Privacy Act. Aniya, nagbigay na siya ng ulat sa Department of Health at Department of Justice hinggil dito.
Sa ngayon, nasa dalawampu’t isang bilanggo sa New Bilibid Prison ang nasawi sanhi ng COVID-19.