Ni: Shane Elaiza Asidao
HINDI sapat ang shampoo para lubusang mapanatili ang kalusugan ng buhok. Bukod sa shampoo, kailangan din gumamit ng conditioner para panatilihing makintab at malambot ang buhok. Nagagawa rin ng conditioner na i-restore ang balance sa buhok matapos ito sumailalim sa matapang na sangkap ng shampoo. Binabalik ng conditioner ang optimum balance na ito dahil nagsisilbi itong moisturizer ng buhok.
Ayon sa mga eksperto, pinoprotektahan din ng conditioner ang buhok sa damage at dryness mula sa epekto ng usok, araw at iba pang maaaring makasira ng buhok dahil sa araw-araw na gawain. Pinapanatiling malambot, masigla at bagsak ang buhok,
Paano ang wastong paggamit ng conditioner upang maging epektibo ito sa pangangalaga ng ating buhok? Narito ang ilan sa mga paalala:
- Matapos mag-shampoo, banlawan ang buhok at kumuha ng sapat na dami ng ‘conditioner’ na ipapahid sa buhok. Iwasan ang paggamit ng higit sa kailangan dahil imbes na sumigla ang buhok, magiging malagkit ito at kakapitan ng dumi o alikabok.
- Ayon sa artikel sa allure.commay tama at maling paggamit nito sa buhok. Ayon kay Nathaniel Hawkins na isang batikang hairstylist, ipahid ito sa buhok pababa para masiguradong mapipiga ang tubig mula sa buhok matapos mag-shampoo. Dito mas magiging epektibo ang conditioner na magbibigay at ng maiiwasan ang damage at dryness ng buhok.
- Iwan ito ng dalawa hanggang tatlong minuto bago banlawan.
Dagdag pa ng allure.com, pinapalambot ng conditioner ang buhok kaya nakakatulong ito para mabawasan ang pagkasira nito at ang split ends. Nakakatulong din ito sa pagtanggal ng static sa buhok na nagpaparupok nito. Mas maganda rin ang magiging tubo ng buhok kapag ginagamitan ito ng conditioner.