Ni Justine Nazario
SINAGOT ng aktres na si Heart Evangelista nang buong puso ang tanong sa kanya ng isa niyang fan sa pag-aanak niya.
Ayon sa aktres, ipapasa Diyos niya na lamang ang lahat.
Bilang stepmother sa twins na anak ni Chiz na sina Quino at Chesi ay makikita sa mga vlogs at mga post ni Heart na malapit siya sa mga bata.
Sa nakalipas na limang taon mula nang maikasal si Heart kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero ay minsan na siyang nagdalang-tao noong 2018 ng kambal ngunit sa kasawiang palad ay nakaranas ng miscarriage.
Gayunpaman, nagtitiwala pa rin si Heart sa kung anumang plano ng Diyos para sa kanya at masaya niyang tatanggapin iyon.