Ni Vic Tahud
HINDI maka-hahadlang sa pagkakaroon ng karagdagang pondo ng Department of Health sa taong 2021 ang panawagan ng ilang senador na magbitiw sa pwesto si Sec. Francisco Duque III.
Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III.
Ani Sotto, isa sa magiging priority ng gobyerno ang pondo para sa kalusugan dahil sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Matatandaang, pinanukala ng DOH na magkaroon sila ng 182 billion pesos na pondo para sa taong 2021.