Ni Melrose Manuel
TINIYAK ng UP-PGH ang confidentiality o hindi nila isasapubliko ang identity o pagkakakilanlan ng sinumang COVID-19 survivor na magdodonate ng convalescent plasma.
Ipinaliwanag ni UP-PGH Spokesperson, Dr. Jonas Del Rosario na ito ay bilang pagsunod na rin sa privacy ng sinumang indibidwal lalo na at medyo maselan ang nasabing isyu.
Para matiyak anya na confidential ang proseso ng donasyon ay hindi ito gagawin sa ospital, sa halip ay personal nilang susunduin ang donor sa kanilang bahay at dadalhin ito sa isang donation center na hindi rin ibubunyag ang lokasyon at duon sila kukuhanan ng plasma.
Sinabi ni Del Rosario na ang plasma ng isang COVID survivor ay nagtataglay o mayroong anti body system na kapag naisalin sa COVID patient ay makakatulong sa paggaling nito.