Ni Margot Gonzales
IKINALUNGKOT ng ilang mga senador ang naging resulta ng botohan sa House para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN na kung saan ay 70 ngang mambabatas doon ang bumoto for Denial.
Nagpahayag ng pagkalungkot, paghihinayang at pagkaalarma ang ilang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos ngang tuluyan nang hindi binigyan ng prangkisa ang ABS CBN sa pamamagitan ng botohan sa Lower House.
Ayon kay Minority Floor Leader Franklin Drilon, lubha itong nalulungkot sa naging kinalabasan ng botohan, aniya ipinapaalala nito ang naganap na madilim na pangyayari sa press freedom noong 1972.
Para kay Senator Risa Hontiveros angĀ non-renewal ng franchise ng ABS-CBN ay politically motivated.
Si Senator Sonny Angara ay nalungkot sa non-renewal dahil malaki aniya ang epekto ng non-renewal ng prangkisa ng network sa ekonomiya at press freedom sa bansa.
Pinuri naman nito ang 11 mambabatas na nanatiling matatag para sa kapakanan ng 11,000 na empleyado ng ABS-CBN na nakatakdang mawalan ng trabaho.
Sinabi naman kanina ni Eugenio Lopez na dahil sa naging resulta ng botohan ay simula Agosto ay magtatanggal na ito ng ilang empleyado.