Ni Melrose Manuel
MULING ipapatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ban o pagbabawal sa mga non-essential travel para sa mga Pinoy na planong lumabas ng bansa.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na kung ang dahilan ng byahe ay para lamang mamamasyal ay mainam na ipagpaliban na lang muna ito dahil hindi sila papayagang makalabas ng bansa.
Mahigpit aniya ang direktiba sa lahat ng immigration officers sa iba’t ibang international ports sa bansa kaugnay sa muling pagpapatupad ng travel ban.
Batay anya ito sa inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Iginiit pa ng BI na ang papayagan lang na makalabas ng bansa ay mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa, holder ng student visa, at permanent resident sa bansang pupuntahan.