Ni Karen David
BUMILIS ang inflation rate o pagsipa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong nakaraang buwan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas sa 2.6 percent ang inflation noong Hunyo kumpara sa 2.1 percent noong Mayo.
Sinabi ni National Statistician Usec. Claire Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay bunsod ng pagtaas ng transportation cost.
Nakapag-ambag din sa higher inflation ang pagtaas ng halaga ng alcoholic beverages at housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang produktong petrolyo.
Sa kabila nito, mas mababa pa rin ang naitalang inflation noong Hunyo kumpara sa kaparehong buwan noong 2019 na May 2.7 percent inflation.
Sa ngayon, umabot na sa 2.5 percent na ang year-to-date inflation ng bansa.