Ni Vic Tahud
TINIYAK ng Department of Public Works and Highways o DPWH na makukumpleto ang mga Build, Build, Build project bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo sa panayam ng Sonshine Radio.
Dagdag pa ni Lamentillo, ginagawa nila ang lahat para matapos ang mga proyektong ipinangako ng Pangulo sa taumbayan.