Ni Justine Nazario
NAALARMA ang mga opisyal ng White House grounds matapos magpositibo sa coronavirus ang isang cafeteria employee.
Bunsod nito, pansamantala munang isinarado ang Ike’s Eatery na matatagpuan sa lugar.
Kaugnay nito, pinangangambahan naman na posibleng na-expose sa virus si US President Donald Trump dahil lagi sa Ike’s Eatery ang mga staff nito.
Matatandaan na may nauna ng 2 dalawang White House staffers ang nagpositbo sa COVID-19.
Sa ngayon, nagsagawa na ang White House ng contact tracing at walang executive office staff ang nangangailangan na ma-quarantine.