Ni Melrose Manuel
MARAMING nakalkal na talents ang aktres na si Judy Ann Santos habang nakasailalim sa community quarantine ang bansa.
Ayon sa aktres, marami itong nadiskubre sa kanyang sarili at marami rin itong realizations sa mga bagay-bagay na nangyayari.
Sinabi pa ng aktres na bukod sa kanyang pagiging artista ay may kaya pa pala itong gawin at kailangan pa nitong palawakin ang kanyang kapasidad sa labas ng show business.
Sa ngayon, ilan lamang sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang kanyang Little Bukid sa kanilang bakuran at abala rin ito sa pagiging chef sa kanyang negosyong restaurant at sa kanyang Youtube channel na Judy Ann’s Kitchen.