Ni Tony Cuevas
MULING namahagi ng farm productivity inputs ang DAR Oriental Mindoro sa mga bayan ng Baco at San Teodoro.
Tinanggap ng mga farmer beneficiary ang mga farm inputs makaraang ilunsad ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang programang PaSSOver sa lalawigan.
Ang 80 Agrarian Reform Beneficiaries na mula sa bayan ng Baco at San Teodoro ay binigyan ng tig isang set ng mga kagamitang pambukid tulad ng buto ng gulay, Bio-N seed enhancer at dalawang sako ng organikong pataba.
Pinangunahan ni DAR–ARBs Head Abdulah Linog kasama si Engr. Eulalia Caringal Municipal Agrarian Reform Officer ng naturang dalawang bayan ang pamamahagi ng productivity inputs sa mga bagong batch ng beneficiaries gamit ang estilong DAR-to-DOOR delivery.