Ni Arjay Adan
HINDI lang malaki ang tyansa ni Kai Sotto na maging kauna-unahang full blooded Filipino na magiging manlalaro ng NBA dahil magiging malaking tulong din ito upang makabalik ang Pilipinas sa Olympics.
Ito ay ayon mismo kay Coach Rob Johnson na kasalukuyang coach ni Kai Sotto sa The Skill Factory sa Atlanta, USA.
Hindi pa muling nakakasama ang Pilipinas sa Olympics simula 1972 games sa Munich, Germany ngunit naniniwala si Johnson na magbabago ang lahat ng ito dahil kay Kai Sotto na aniya ay ‘future’ ng Philippine Basketball.
Dagdag pa nito, mataas ang basketball IQ ni Sotto at madali rin itong turuan at mabilis itong makaintindi ng instructions at concepts.
Wala namang duda si Johnson sa 7-foot-2 na si Kai Sotto na makakasali ito sa NBA.