Ni Melrose Manuel
KASALUKUYAN nang iniluluto ng Kamara ang bagong draft ng bill para sa Coconut Farmers Trust Funds.
Ito ay kasunod sa naging panawagan ni Pangulong Duterte sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address na muling buhayin ng Kongreso ang naturang bill na layong suportahan ang mga local coconut farmers.
Sa naging panayam ng SMNI News kay Quezon 1st District Rep. Mark Enverga na siya ring chairman ng House Committee on Agriculture, aniya tinatrabaho na nila ang naturang bill.
Giit ni Enverga na malaki pa ang asset na nakalaan para sa naturang bill. Ipinunto rin nito na inaayos na rin nila ang magiging sakop ng naturang bill.
Samantala, naniniwala naman si Agriculture Secretary William Dar na malaki ang maitutulong ng Coconut Levy Fund sa mga maliliit na coconut farmers sa buong bansa lalo pa’t humaharap tayo ngayon sa COVID-19 pandemic.