Ni Jao Gregorio
MULING iginiit ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na maninindigan ang Kamara sa naging desisyon nila sa pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN sa kabila ng samu’t-saring pambabatikos.
Sa naging panayam ng SMNI News, aniya nasa taumbayan na kung ano ang kanilang iisipin dahil matibay ang kanilang mga natuklasang ebidensya.
Panawagan naman ni Marcoleta sa mga sumusuporta sa ABS-CBN na tanggapin na nila na umiiral ang batas at huwag personalin ang nangyari.