Ni Vhal Divinagracia
NAGMIMISTULANG ginagamit bilang private army ni KAPA Community Ministry International Founder Joel Apolinario ang kanyang mga miyembro.
Ito ang naging pahayag ni Caraga Public Information Officer Police Major Renel Serrano sa panayam ng Sonshine Radio.
Ayon pa kay Serrano, ang dalawampu’t limang miyembro nitong kasali sa pag-aresto ay puro hindi mga residente ng Lingig, Surigao del Sur.
Samantala, inamin naman ni Serrano na medyo mahirap ang pagsasagawa ng ballistic comparison sa mahigit pitumpung mga baril kasama na ang ammunitions na nakumpiska mula sa grupo ni Apolinario.
Tiniyak naman ni Serrano na tinututukan ng mga Special Action Force Caraga at Regional Mobile Force Batallion ang mga naaresto.