Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa animnapu’t isang libo, dalawangdaan at animnapu’t anim ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng dalawang libo, apatnaraan at siyamnapu’t walo na panibagong kaso batay sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Department of Health (DOH) as of 4pm, July 16.
Nadagdagan naman ng apatnaraan at animnapu’t pito ang bilang ng mga gumaling kung saan umabot na sa dalawampu’t isang libo, apatnaraan at apatnapu ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa.
Nakapagtala rin ng dalawampu’t siyam na bagong namatay kaya’t umakyat pa sa isang libo, animnaraan at apatnapu’t tatlo na ang kabuuang bilang ng mga nasawi.