Ni Justine Nazario
LAGPAS na sa apat na milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.
Labinlimang araw lamang ang lumipas at nakapagtala agad ng isang milyong kaso ng COVID-19 ang naturang bansa.
Matatandaan na umabot lamang ng halos 100 days nang makapagtala ng first 1 milyon ang bansa mula noong Enero 21 hanggang Abril 28.
Batay sa ulat, 15% na lamang ang available na ICU’s bed sa state at halos 50 ospital sa bansa ay puno na.
Gayunpaman, nasa 41 states na sa US ang nagpatupad ng mandatoryong pagsusuot ng face mask.
Batay sa huling tala ng John Hopkins COVID-19 tracker nasa 4,034,057 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos at nasa 144,233 naman ang mga namatay.