Ni Melrose Manuel
ITUTULOY pa rin ng mga militanteng organisasyon ang kanilang kilos protesta ngayong araw ng SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Katwiran ng mga grupo, hindi ipinagbabawal sa Konstitusyon ang paghahayag ng kanilang saloobin at hindi raw mao-over power ng IATF resolution 57 at DILG Memorandum.
Tiniyak ng mga grupo na magsasagawa ng kilos-protesta na patuloy silang makikipag-koordinasyon sa pamahalaan para maging maayos ang isasagawa nilang aktibidad.
Strikto naman silang susunod sa health protocol measures tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, social distancing, at pagdadala ng alcohol.