Ni Karen David
PATULOY ang pagbaba ng mga krimen na naitatala sa bansa ngayong may community quarantine.
Batay sa datos ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield mula Marso 17 hanggang Hulyo 4, 2020, bumaba pa sa 5,339 o 53 percent ang krimen sa bansa.
Mula ito sa 17,567 na naitala noong Nobyembre 28, 2019 hanggang Marso 16, 2020.
Kabilang sa bumabang kaso ang theft na nakapagtala ng 2,030 mula sa 5,773. Bumaba rin sa 940 ang kaso ng robbery sa bansa mula sa 2,682 na naitala noong wala pang quarantine.
Habang ang kasong rape ay bumaba ng 36% o 1,540 mula sa 2,413. Bukod dito, bumaba rin ang kaso ng carnapping, murder, homicide at physical injury.