Ni Pol Montebon
MAGIGING regular na supplier na ng mga maraming restaurant sa bansa ang mga local farmer sa mga menu at pangunahing pangangailangan ng mga resto. Ito’y matapos lagdaan ng Department of Agriculture at RestoPH na kumakatawan sa ilang restaurants sa bansa, bilang tulong sa mga magsasaka ngayong panahon ng pandemiya.
Kasabay ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Agriculture at grupo ng mga restaurant owner sa bansa, isang panibagong oportunidad ang ibinigay ng ahensiya at pribadong sektor para sa mga lokal na magsasaka natin.
Sa ilalim ng nasabing ugnayan, papahintulutan ng SM Malls ang mga magsasaka na direktang makapagbenta ng kanilang ani sa loob ng mall.
Ayon sa kagawaran ng pagsasaka ang nasabing programa ay para matulungan ang mga magsasaka na maayos na makapagbenta ng kanilang produkto sa abot kaya na halaga.
Libre rin ang magiging bayad sa pwesto ng mga magsasaka sa mga mall, at magsisimula na ito ngayong darating na Biyernes, July 3.
Nasa walong kooperatiba o indibidwal na magsasaka ang ang lalahok sa launching ng farmers produce program na gaganapin sa isang mall sa Taguig.
Iba’t ibang uri ng agricultural products ang mabibili sa nasabing programa mula sa livestock, dairy, crops at iba pang highland at lowland vegetable products.