Ni Melrose Manuel
SARADO sa publiko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang main office ng ahensiya sa Quezon City mula simula ngayong araw, July 13 hanggang July 17 Biyernes.
Ito ay dahil sa limang tauhan nito na nagpositibo sa COVID-19 at upang bigyang daan ng ahensiya ang disinfection.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, walang face to face transactions sa ahensya tulad ng pagtanggap ng mga reklamo, aplikasyon, petisyon, inquiries at bayarin sa ahensiya pero may online transactions sa mga request para sa special permits, confirmation, franchise verification, provisional authority at legal queries.
Humingi naman ng paumanhin si Delgra sa pubiko sa ginawang pagsasara muna sa LTFRB main office para na rin sa kaligtasan ng lahat at huwag nang lumawak pa ang kaso ng COVID-19 sa ahensiya.
Dati nang naisara pansamantala ang main office ng LTFRB nang isa sa kanilang empleyado ay nag-positibo sa COVID-19 rapid test.