Ni Arjay Adan
NAGSUMITE ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) ng 13-page document sa pamahalaan upang payagang muli ang mga manlalaro nito na makabalik sa kanilang training.
Nakalagay sa nasabing dokumento ang outline ng sarili nitong measures at protocols na masisigurong ligtas ang mga manlalaro nito sa pagbabalik-ensayo.
Matatandaan na pinahintulutan na ng pamahalaan ang individual training para sa basketball at football kaya naman kumpyansa ang LVPI na susuportahan ng Philippine Sports Commission ang kanilang hiling.
Kung papayagan naman ng gobyerno ang LVPI, ang mga national athlete na nasa ilalim ng club teams, at kahit na mga college standouts na may koneksyon sa PVL at PSL squads ay maaari nang bumalik sa kanilang training.