Ni Melrose Manuel
MAHIGIT sa apatnapu’t dalawang porsyento ng mga Filipino Canadian ang naiulat na nawawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya ayon sa isinagawang survey ng Statscan.
Ayon sa pinakahuling survey ng Statistics Canada o StatCan, malaking porsyento sa mga apektado ang mga Pilipino at mga West Asians sa pandemya.
Ayon kay RJ Aquino, director ng Tulayan Filipino Diaspora Society, ang unemployment at underemployment ay hindi lamang nakaaapekto sa mga Filipino Canadian kundi maging sa kanilang mga pamilya na umaasa lamang sa kanilang ipinapadalang pera mula dito sa Canada.
Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ng mga health official ng iba’t ibang probinsya ng Canada ang posibleng second wave ng coronavirus pandemic na nagbabanta ng pagkakapuno ng mga ospital na posibleng maging dahilan ng muling pagdedeklara ng lockdown sa Canada.