Ni Vic Tahud
ARESTADO na ang aabot sa lampas siyam na libong mga high value target sa ginawang mahigit 160,000 anti-illegal drug operation ng administrasyong Duterte.
Ito ay base sa datos na ipinalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2020.
Nasa 245,135 drug suspects na rin ang naaresto at lampas limang libong mga suspected drug individual din ang napatay sa operasyon ng pulisya.
Kabilang sa mga naaresto ay ang 376 government employees, 320 elected officials at siyamnapung uniformed personnel.
Sa ngayon, umabot na sa P34.18 billion ang kabuoang halaga ng shabu na nasabat ng gobyerno.