Ni Vhal Divinagracia
MANDATORY quarantine ang ipinaiiral sa kahit sinong galing sa labas ng Ormoc.
Ito ang naging pahayag ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa panayam ng Sonshine Radio para makontrol ang bilang ng COVID-19 cases.
Ani Gomez, mahirap ang home quarantine dahil minsan di na natatapos ang nakatakdang bilang ng araw at lumalabas na ito.
Magiging dahilan aniya ito ng local transmission ng COVID-19 na lubos na iniiwasan ng Ormoc City.
Umaasa naman si Gomez na sana’y malimitahan din ang bilang ng mga returnees at expatriates dahil hindi aniya lahat ng LGUs ay may sapat na kapasidad para ma-cater sa quarantine ang lahat.