Ni Justine Nazario
NILINAW ni actor Matteo Guidicelli ang dahilan ng pananahimik niya sa gitna ng maingay na isyu tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.
Sa isang Istagram story ni Matteo, mababasa rito ang quote card na nagpapahiwatig na mas pipiliin na lamang niyang tumahimik kung hindi rin naman makabubuti ang sasabihin niya.
Kaugnay nito, matatandaan na nanawagan si Angel Locsin sa mga kapwa Kapamilya artist na magsalita na dahil wala na umanong career o image na prinoprotektahan ang mga ito.
Gayunpaman, hindi na muling nagpahiwatig pa si Matteo tungkol sa isyu at patuloy lamang na nanahimik tungkol sa isyu.