Ni Melrose Manuel
SUMENTRO sa isinagawang ABS-CBN franchise hearing sa isyu ng media bias at content ng mga programa ng Kapamilya Network.
Unang pinuna ni dating Health Secretary Janette Garin ang pagbabalita ng ABS- CBN kaugnay sa isang 2014 news report ng kumpanya.
Ayon kay Garin, malaki ang naging epekto ng balita kaugnay sa mga pasyenteng may psoriasis na naging subject ng kanilang balita.
Inireklamo rin nito ang madalas na panayam ng ABS- CBN sa mga doctor na walang malalim na kasanayan sa mga sakit na tumatama sa bansa.
Kabilang din sa inungkat nito ang issue ng Dengvaxia vaccine kung saan si Garin ang binabanatan noon sa mga balita.
Kaugnay nito, inusisa rin ni Bishop at House Minority Leader Benny Abante ang morality issues na kinakaharap ng network na pagpalalabas ng mga sensored at gender sensitive sa telebisyon at malalaswang content na may malaking epekto sa mga kabataan.