Ni Jao Gregorio
NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa mga media institution sa bansa na mas maging mapagmatyag kasunod nang nangyaring pagbasura ng kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.
Dahil aniya, ang patas at malayang pamamahayag ang kailangan ng bansa. Punto pa ng mambabatas na huwag matakot ang mga media entity na maglahad ng katotohanan dahil napakaimportante ng kanilang trabaho.
Hayaan na rin ani Poe ang taumbayan na magdesisyon kung patas o hindi ang mga balita.
Samantala, giit pa ni Poe, na sana ay maging maingat na ang mga mambabatas sa mga susunod nilang gagawin.