Ni Vic Tahud
ISASAILALIM sa COVID-19 test ang mga media workers kada tatlong buwan ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ang mass media ay kasama sa subgroup J o sa economic priority workers na expose sa publiko.
Pasok din sa subgroup A, B and C ang mga symptomatic habang ang mga asymptomatic na may history ng exposure sa COVID-19 ay pasok naman sa subgroup D.
Ang testing costs ng mga nasabing grupo ay aakuin ng PhilHealth.
Samantala, ang mga hindi napabilang sa mga grupo ay maaaring sumailalim sa real time polymerase chain reaction test ngunit sa sariling gastos.