Ni Vic Tahud
PATULOY na ginagawa ngayon ng Department of Science and Technology ang solidarity trial ng World Health Organization sa bansa hinggil sa posibleng COVID-19 vaccine.
Ito ang inihayag ng DOST sa panayam ng Sonshine Radio kung saan sinabi ni DOST Sec. Fortunato T. Dela Peña, kasalukuyan na ring ginagawa ngayon ang clinical trial sa gamot na avigan, maging ang bagong gamot na melatonin ay uumpisahan na rin ang trial.