Ni Melrose Manuel
SINIGURO ng Energy Regulatory Commission na nakahanda ang Meralco na ayusin at irefund ang anumang iregularidad sa electric bill.
Ayon kay ERC Chairperson Atty. Agnes Devanadera, mismong ang presidente ng Meralco na si Atty. Rey Espinosa ang nakipag-ugnayan sa kanila upang tiyakin na magsasagawa ito ng corrective measures.
Kabilang na dito ang kanilang commitment na hindi mag-iisyu ng disconnection notice hanggang Setyembre a-30.
Bago aniya sumapit ang naturang petsa ay marahil na itama na ng Meralco ang bills at nairefund na nito ang sobrang bayad.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 47,000 ang natanggap na complain ng ERC kaugnay ng bill shock.